Mahigpit P14-M halaga ng party drugs kumpiskado

0
56

Kumpiskado sa ikinasang operasyon ng mga otoridad ang aabot sa mahigit P14 million halaga ng party drugs sa isang condominium sa barangay Loyola Heights sa Quezon City.

ayon kay national capital region police office o n-c-r-p-o chief dir. guillermo eleazar, naaresto ng pwersa ng kanilang regional district enforcement unit ang suspek na si evette tividad.

narekober mula sa suspek ang mga nakasupot na tableta ng ecstasy tablet at mga marijuana na nasa selyadong bote.

samantala, sangkot din umano si tividad sa bentahan ng ecstasy tablets, liquid ecstasy, at high grade marijuana na “kush”.