Mahigpit Na Patakaran Sa Mga LSI At APOR Ilinatag Sa Bayan Ng Baao

0
14

Iriga City — Mas pang magiging mahigpit ang patakaran sa mga LSI at APOR na uuwi sa bayan ng Baao, Camarines Sur. Ito’y kasunod ng bagong walong kaso ng Covid 19 sa bayan na siya ng pinakamarami sa lahat ng bayan dito sa Bicol region.

Ito ang sinabi kahapon ni Mayor Jeff Besinio kasunod ng ginawang meeting ng IMT at mga barangay officials upang tugunan ang hinaharap na suliranin ng bayan.

Ayon sa kanya, walang silbi ang tatlong buwang sakripisyo ng mga frontliners dahil napasukan pa ng LSI na di sumunod sa tamang patakaran.

Kasunod nito, ang curfew na nagsisimula ng dating alas 9:00 ng gabi ay magsisimula na ng alas 6:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga.

Kanya pa ring pinayuhan ang lahat ng barangay officials na dakpin at kasuhan ang mga di susunod sa protocol kasabay na rin ng pagseguro na kanyang kakasuhan ang di sumunod na LSI na retired military nurse na siyang pinagmulan ng local transmission ng sakit na Covid.

Sa kasalukuyan mayroon ng 34 na kaso ng Covid sa bayan at isang namatay.

Naka lockdown na rin ang tatlong sona ng Brgy. Buluang, San Francisco at san Roque kung saan nagmula ang mga bagong kaso ng sakit. (OIC Melvin Barayoga, RPN DZKI Iriga)

 

(Source: LGU Baao)

Leave a Reply