33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Mahigit sa 1,700 Vendors sa Baguio City Public Market apektado sa sunog

- Advertisement -

Baguio City – Mariing kinumpirma ni Mayor Benjamin Magalong na kanyang pinaniniwalaang mahigit kumulang sa 1,700 na vendors ang nadamay ng nasabing sunog na tumama sa Baguio City Public Market noong alas Onse noong Sabado ng gabi hanggang madaling araw ng linggo Marso 12, 2023.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection-Baguio, nag umpisa umano ang sunog sa bahagi ng Block 4 malipat sa Livestock Section. Sinabi nila na buong buong nasira ang Block 4 samantala bahagyang nasira ang Block 3.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang imbestigasyon at pagsubaybay ng mga tiga BFP-Baguio. Kanyang ipinahatid ang kanilang pagdadalamhati sa mga manininda na lubhang nadamay ang kanilang kabuhayan at tiniyak sa kanila ang agarang aksyon.

Namahagi sila ng ayuda para sa mga legitimong mga vendors at ng iba pang tulong. Kabilang dito ang relocation site na patitindahan ng mga manininda lalo lalo na sa bahagi ng Hilltop Road.

Sa kaugnay na balita, ang pagtitinda ng mga ilang vendors sa City Market sa block 3, hindi apektado ng sunog. Tuloy ang kanilang paghahanap buhay. Patuloy pa rin ang pagtitinda ng mga vendors sa City Market block 3 kung saan nadamay sila ng sunog na naganap sa bahagi ng pampublikong pamilihan. Nakahilera ang mga manininda sa bahagi ng Zandueta street, at Kayang street na mismo sa harap ng fish at meat sections sa City Market, Baguio City.

Pansamantalang isinara ang lugar kung saan sila nagtitinda dahil sa hindi pa nasabi ng Bureau of Fire Protection na kung ligtas ang naturang lugar. Kabilang sa mga ito ang manininda ng nasabing lugar ay ang tindera at tindero ng bangus, tilapia, hipon at iba pang klaseng isda.

Una na rito, Sinabi ni Mayor Benjamin Magalong nararapat lang na siguraduhing ligtas ang lahat ng bahagi at ang kabuuan ng City Public Market Block 3 at 4 upang walang masugutan. Sa kaugnay rito, kinumpirma ni Mayor Magalong na wala namang nasugatan sa nasabing sunog.

Samantala, Mahigit sa 2,000 family food packs, Ipinamahagi ng DSWD-CAR sa mga vendors na apektado ng sunog sa Baguio City Public Market. Ayon kay DSWD CAR Regional Director Leo Quintilla, ang mga nabigyan ng family food packs ay ang mga vendors ng blocks 3, 4 at ng iba pang manininda. Kanyang ipinaliwanag na marami sa mga ito ang hindi nakapagtinda dahil sa nasabing insidente.

Sinabi niya na maliban sa family food packs, magsasagawa rin sila ng assessment sa mga apektadong vendors para sa pagbibigay nila ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS). Anya maaring tumanggap ang mga apektadong vendors ng hanggang 10,000 pesos kung saan ang halaga ay depende sa maipapatupad na assessment. Nasabi niya na ang assessment ay ang pagbabatayan ng pagbibigay ng Sustainable Livelihood Program.

Samantala, sinabi ni City Social Welfare and Development Officer Liza Bulayungan na namigay na sila ng food at financial assistance sa mga apektadong vendor habang wala pa silang pagkakakitaan.  Kanyang binigyang diin na ang mga mabibigyan ng tulong ay ang mga lehitimong stall owners o vendors na nakarehistro sa City Treasury Office. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Baguio)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -