Mahigit P40-M halaga ng shabu nasabat

0
14

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang anim na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng higit P40-M.

Ayon sa BOC, nakumpiska mula sa bagahe ng suspek na si Marie Guillermo Yuzol ang ilegal na droga.

Pinaniniwalaang galing ang shabu sa Cambodia.

Sa ngayon ay sumasailalim sa tactical interrogation ang suspek. — ulat mula kay Raoul Esperas (Patrol 45)