Mahigit P23 milyong halaga ng ecstasy nasabat sa Pasay City

0
31

Aabot sa higit P23 milyong halaga ng ecstacy ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa pahayag ng BOC, nasa 13 tableta ng ecstacy na may katumbas na halagang P23.5 million ang isinilid sa mga sachet ng kape, at lalagyanan ng laruan ang nasabat ng kanilang mga personnel sa central mail exchange center warehouse.

Nabatid na nagmula ang kontrabando sa Netherlands at Belgium kung saan nakapangalan ang mga ito sa magkakaibang consignee.

Sinabi ng BOC na kahina-hinala kasi ang bigat ng naturang package kung saan idineklara itong kape at mga laruan kaya’t isinailalim pa ito sa x-ray scanning.