Wednesday, May 8, 2024

Pagbubukas ng klase sa Agosto 24 ipinanawagang ipagpaliban muna ng isang grupo

- Advertisement -

Tinawag na kahibangan ni Parents Teachers Alliance Partylist Representative at dating assistant secretary ng DepEd na si Jun Abelita ang hakbang ng pamahalaan na ituloy pa rin ang pagbubukas ng klase sa darating na Agosto 24.

Ayon kay Abelita, nakikiusap sila kay Pangulong Rodrigo Duterte na kung maari ay ipagpaliban muna ang pagbubukas ng klase ngayong buwan ng Agosto.

Sinabi ni Abelita na hindi pa kasi gaanong handa ang DepEd sa pagbubukas ng klase lalo pa’t kulang pa ang materyales na gagamitin para sa pagbubukas ng klase.

Karamihan, mga stakeholders, estudyante at mga kawani ng DepEd ay nagdadalawang isip kung talaga bang handa na sila para sa opening sa August 24. We are barely 2 weeks away sa simula ng pasukan, wala pang mga gamit na gagamitin ang mga mag-aaral pati na ang mga guro, let’s talk about the modules hanggang ngayon ay ginagawa pa rin,” ani Abelita.

Dagdag pa nito maituturing kasi na ‘wishful thinking’ ang pagpupumilit ng DepEd na ituloy ang pagbubukas ng pasukan gayong hindi naman plantsado ang mga kakailanganin para maituloy ang blended learning.

Kaya tayo nagko-concentrate sa modules kasi kalimutan na natin yung sinasabi ng DepEd especially Sec. Briones na blended learning wherein gagamit sila ng online learning or paggamit ng internet, paggamit ng mga gadgets this is wishful thinking, alam naman ng lahat yan dito lang sa atin sa Metro Manila problemado na tayo sa connectivity,” ani Abelita. — panayam mula sa Balitang Todong Lakas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img