Mahigit P10-M halaga ng hinihinalang shabu nasabat

0
45

Mahigit P10 million halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga otoridad sa buy bust operation sa Sta. Ana, Pateros.

Nakuha sa suspek na si Angelo Reyes, 60 taong gulang, ang isa’t kalahating kilo ng sinasabing shabu at marked money.

Nakabalot pa sa tea bags ang mga nakuhang droga na kaagad isinailalim sa inventory.

Umamin naman si Reyes sa pagbebenta ng droga dahil aniya sa kahirapan ng buhay.

—–