Mahigit P1-B ang kinakailangan para sa pagtatayo ng bike lanes network sa NCR —DOTr

0
9

Mahigit P1-B ang kinakailangan ng Department of transportation para sa pagtatayo ng bike lane network sa Metro Manila.

Ayon kay Transporation Assistant Secretary for Road Sector Mark Steven Pastor, gagawing integrated ang mga bike lane kung saan magiging magkakakonekta ang bike lane sa circumferential, radial at iba pang pangunahing lansangan sa kalakhang Maynila.

Kinakailangan aniya ng P1.034 billion para magtayo ng 644 km na bike lane na inaasahang magbibigay ng seguridad sa mga bikers sa lansangan.

Sinabi pa ni Pastor, magiging permanente ang bike lane para maging aktibong transportasyon upang mabawasan ang mga sasakyan sa kalsada.