36.1 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Mahigit $83-M investment natanggap ni Pangulong Duterte sa Israel

- Advertisement -

Higit $83 milyon ang halaga ng investment na nakuha ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagbisita sa Israel.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, higit 20 pribadong kumpanya ang nakipagkasundo at nagkaloob ng letter of intent na mamuhunan sa bansa.

Handa ang mga kumpanya mula sa Israel na mamuhunan sa iba’t ibang industriya sa bansa tulad ng agriculture, military, hardware, information technology, infrastructure, software systems, tourism at health.

Ipinagmalaki ni Lopez na ang naturang mga investment ay posibleng makalikha ng halos 800 mga trabaho sa bansa.

Pagpapakita aniya ito na malaki ang kumpyansa ng mga Israeli investor sa papalagong ekonomiya ng Pilipinas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -