Mahigit 8,000 COVID-19 tests kayang isagawa ng pamahalaan kada araw — Galvez

0
18

Aabot sa 8,000 hanggang 10,000 coronavirus disease 2019 (COVID-19) tests ang kayang isagawa ng pamahalaan kada araw.

Ito’y ayon kay COVID-19 Response Chief Implementor Carlito Galvez bilang bahagi ng mass testing ng pamahalaan.

Ayon kay Galvez, simula sa Martes, Abril 21 ay aabot na sa 10,000 pagsusuri ang kayang isagawa ng pamahalaan kada araw bunsod na rin ng mga itinayong karagdagang testing centers.

Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni Galvez ang Philippine Red Cross dahil aniya sa pagtulong nitong mapalakas ang testing capacity ng bansa.