28.3 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Mahigit 700 katao sa Iran patay matapos uminom ng alcohol

- Advertisement -

Patay ang mahigit 700 katao sa Iran matapos umanong uminom ng alcohol sa paniniwalang gamot ito laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Iranian Health Ministry Spokesman Kianoush Jahanpour, 728 na ang kabuuang bilang ng mga pumanaw dahil sa alcohol poisoning mula Pebrero 20 hanggang Abril 7, taong kasalukuyan.

Sinasabing 90 sa mga lumagok ng methanol alcohol ay nawalan ng paningin habang ang iba’y nakaranas din ng matinding pinsala sa kanilang mga mata.

Mahigit 90,000 na ang tinamaan ng COVID-19 sa Iran habang halos 6,000 naman ang nasawi dahil sa naturang virus.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -