Mahigit 61-M Pilipino inaasahang boboto ngayong midterm elections

0
36

Mahigit animnapu’t isang milyong Pilipino ang inaasahang boboto ngayong midterm elections.

Kabuuang 43, 554 na national at local candidates ang tumatakbo para sa 18,071 pwesto mula sa pagka-senador hanggang sa city o municipal councilor.

Ayon sa Commission on Elections, 62 kandidato ang naglalaban para sa 12 pwesto sa senado.

134 na party-list groups naman ang tumatakbo para sa 61 party-list seats sa Kamara De Representantes ngayong 18th congress.

Ang nalalabing posisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ay para naman sa 244 na  district representatives na pinaglalabanan ng kabuuang 633 congressional candidates.