36.1 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Mahigit 50 katao patay sa airstrikes sa Afghanistan

- Advertisement -

Patay ang 11 sibilyan at 40 Taliban fighters habang sugatan ang maraming iba pa sa isinagawang airstrikes ng security forces sa kampo ng mga rebelde sa Afghanistan.

Bagama’t inamin ng defense ministry officials na marami silang napatay na mga rebelde, hindi nito makumpirma kung may mga nadamay na sibilyan sa mga airstrikes.

Kabilang sa mga nilusob ng puwersa ng pamahalaan ay ang mga kuta ng Taliban sa Kabul at Kunduz.

Matatandaang nanawagan ng tigil-putukan si Afghan President Ashraf Ghani pero binalewala ito ng mga rebelde dahilan upang gumanti ang gobyerno.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -