Mahigit 200 Na Pasahero,Stranded Sa Matnog Port Dahil Sa Bagyong ‘Jolina’

0
402

Mahigit 200 na mga pasahero ang straded sa Matnog Port sa Sorsogon matapos suspindihin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga biyaheng pandagat sa mga apektadong lugar sa Visayas at Mindanao dahil sa bagyong “Jolina” noong Lunes, Setyembre 6.

Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA) na hindi bababa sa 222 na pasahero, 89 na trak, at 22 magaan na sasakyan ang stranded sa Matnog Port noong Lunes.

Sinabi ni Achilles Galindes, acting Division Manager ng PPA sa Matnog na ang mga na-stranded na pasahero at sasakyan ay pansamantalang inililikas sa mga ligtas na lugar sa Sorsogon sa gitna ng masamang kalagayan ng dagat at malakas na ulan.

(Source: Bicol News)

Leave a Reply