Mahigit 150 negosyante kasama ng Pangulo sa kanyang official visit sa Israel

0
38

Nakatakdang bumiyahe patungong Israel si Pangulong Rodrigo Duterte simula ngayong araw.

Kasama ni Pangulong Duterte ang mahigit isandaan limampung negosyante sa kanyang official trip na magtatapos sa Setyembre 5.

Inaasahang aalis mamayang hapon ang Punong Ehekutibo para sa kauna-unahang official visit ng Pangulo ng Pilipinas sa Israel.

Kabilang sa mga tatalakayin ang posibleng pagbili ng mga armas ng Pilipinas mula Israel, kalakalan at sitwasyon ng mga overseas Filipino worker.

Matapos nito ay bibisita naman si Pangulong Duterte sa Jordan simula Setyembre 5 hanggang Setyembre 8.