Mahigit 12 bus stops sa kahabaan ng EDSA ininspeksyon ng MMDA

0
25

Ininspeksyon ng mga otoridad ang mahigit 12 bus stops na itinalaga sa kahabaan ng EDSA.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago ang mga nasabing bus stop ay mayroong mga bakod, waiting shed at markings para matiyak ang physical distancing.

Sinabi ni Pialago na sa mga susunod na araw ay papalitan ng concrete barriers ang mga plastic orange barriers na ginagamit sa ilang bus stops.

Sa kabuuang 16 na bus stops ipinabatid ni Pialago na 10 ang handa nang magamit at una o ikalawang linggo ng Hulyo ay inaasahan nilang operational na ang lahat ng mga naturang bus stops.