Mahigit 1,000 TNVS applications aaprubahan na ng LTFRB

0
48

Aaprubahan na ng LTFRB ang mahigit 1,000 TNVS applications.

Kasunod na rin ito ng kautusan ng ARTA o Anti Red Tape Authority sa LTFRB na mag isyu ng certificates at iba pang kinauukulang lisensya o certifications sa lahat ng mga nakabinbing TNVS applications.

Sakop ng nasabing kautusan ang lahat ng paid applications na dumaan na sa regulatory hearings mula July 7 hanggang July 24 kung kailan naging epektibo ang Republic Act 11032 o Easer of Doing Business Act.

Sinabi ng LTFRB na ipo proseso na nila sa susunod na dalawang linggo ang 1,130 pending applications para sa cpc’s o certificates of public convenience.