Mahigit 1,000 na mga Pinoy sa Qatar nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19

0
37

Mahigit 1,000 Pilipino ang nawalan ng trabaho sa Qatar dahil sa COVID-19 pandemic.

Bukod sa 1, 645 OFW’s na nawalan ng trabaho ipinabatid ni Philippine Ambassador to Doha Alan Timbayan na 4,044 na Pinoy workers pa ang napuwersang mag-leave.

Hinimok ni Timbayan ang mga Pilipino na sumunod sa advisory ng embahada at maging sa COVID-19 policies ng Qatari government gayundin ay maging kalmado.

Batay sa record ng embahada hanggang nitong Enero mayroong halos 250,000 Pinoy ang nasa Qatar.