ABS-CBN pwedeng umapela sa korte

0
19

Uubra pang umapela sa korte ang ABS-CBN matapos isyuhan ng cease and desist order ng NTC.

Ayon ito kay Justice Secretary Menardo Guevarra na nagsabing posibleng mayroong magandang dahilan ang NTC kaya’t nag isyu ng naturang direktiba.

Hintayin na lamang aniya ang paliwanag ng NTC hinggil sa usapin.

Una nang inihayag ni Guevarra na mayroong sapat na basehan para payagang makapagpatuloy mag operate ang broadcast companies kahit hindi pa nare-renew ang prangkisa nito.