Nasa humigit kumulang 100 pamilya ang nawalan ng tahanan matapos lamunin ng apoy ang nasa may 120 bahay sa Lapu-Lapu City sa Cebu
11 ng gabi nitong Biyernes nang sumiklab ang sunog sa isang Residential Area sa Purok Ubre, Barangay Gun-OB sa nasabing lungsod na umakyat pa sa Task Force Alpha
2 ng hapon kahapon naman nang ideklara itong Fire Under Control ng mga kagawad ng pamatay sunog at tuluyang naapula makalipas ang 2 oras
Batay sa paunang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, nagmula ang sunog sa bahay ng isang Juanito Vaflor
Bagama’t wala namag naitalang sugatan o nasawi sa nasabing sunog patuloy ang isinasagawang imbestasyon dito ng mga tauhan ng BFP at inaalam ang sanhi at kabuuang halaga ng mga napinsalang ari-arian