Friday, May 17, 2024

Mahigit 1-M halaga ng smuggled na bigas at sigarilyo nasabat sa Zamboanga

- Advertisement -

Nasabat ng BOC o Bureau of Customs ang mahigit isang milyong pisong halaga ng mga smuggled na bigas at sigarilyo sa Zamboanga City.

Batay sa ulat, nakumpiska ng pinagsanib na pwersa ng BOC Intelligence and Enforcement Groups at iba pang ahensiya ng pamahalaan ang halos 200 sako ng bigas sa loob ng barkong M-L Nhardzmar- 2 habang nakadaong sa Weebin Private Wharf.

Samantala, naharang naman ng BOC ang MV Trisha Kirstin-1 na may dala ng anim na kahon ng mga smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng 500,000 piso.

Sinasabing galing sa Vietnam, Indonesia at Malaysia ang mga ipinuslit na bigas at sigarilyo.

Agad na ring na-i-turn over sa BOC ang mga nakumpiskang bigas at sigarilyo gayundin ang dalawang barkong may lulan ng mga  nito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -