Maguindanao massacre case verdict ikinatuwa ni Robredo

0
14

Lubos na ikinagalak ni Vice President Leni Robredo  na nakamtan na ng pamilya  ng mga biktima ng Maguindanao massacre ang  pinakaaasam na hustisya.

Ayon sa pangalawang pangulo, wala siyang ibang nakikitang mas nararapat na katapusan sa kasong ito na tinaguriang pinakamarahas na election related violence at pag atake  sa mga mamamahayag  sa   kasaysayan.

Hindi man aniya naging madali ang proseso at mabagal man ang usad ng kaso, ang hatol na ito ay nagbibigay sa bawat isa ng pag-asa  na posible pa ring makamit ang katarungan  sa ilalim ng ating justice system.

Binigyang diin pa ni Robredo na paalala rin ito na  ang lahat kasalanan ay may panahon din ng pananagutan dahil ang batas at katarungan ay walang  pinipiling pangaln kahit pa ang mga nasa kapangyarihan.

Sa huli, sinabi ng pangalawang pangulo na masalimuot man ang paghihintay, ngayong araw ay nasa panig ng tama at matuwid ang tagumpay.

Nakikiisa si Robredo sa mga mahal sa buhay ng  mga biktima ng Maguindanao massacre at sa buong sambayanang Pilipino  sa pagdiriwang ng makasaysayang hatol na ito.