Magnitude 6.3 Na Lindol Niyanig Ang Tulunan, Cotabato

Magnitude 6.3 Na Lindol Niyanig Ang Tulunan, Cotabato

by RPN
0 comment 42 views

GENERAL SANTOS CITY- 7:35 ng gabi nang maramdaman ang pagyanig ng South Central Mindanao. Miyerkules, Oktubre 16, 2019. Naitala ang sentro ng Magnitude 6.3 at lalim na 15 kilometro na lindol sa Tulunan, Cotabato Province kung saan maramdaman ang Intensity 7 sa Kidapawan City na nawalan ng kuryente ang malaking bahagi ng syudad.  Nagbagsakan ang mga gamit sa mga kabahayan at mga shelf ng mga tindahan sa kasagsagan ng pagyanig. Kaagad namang inilikas ang mga pasyente ng Kidapawan Doctors Hospital.

Nag-abiso naman ang Kidapawan City Risk Reduction Management Council na pagsuspende ng klase sa lahat ng antas hangga’t walang pahintulot na muling gamitin ang mga gusali na maaaring nagtamo ng mga pinsala. Intensity 5 ang naramdaman sa Tupi, South Cotabato at Alabel, Sarangani Province; habang Intensity 4 naman sa Kiamba, Sarangani Province, T’Boli, South Cotabato at General Santos City.

Nagkaroon naman ng malaking pinsala dahil sunog ang Gaisano Mall sa General Santos City na kaagad naman nirespondihan ng fire department ng syudad at ng mga fire volunteers. Short circuit at naiwang kalan ang tinitingnang dahilan ng sunog na nagsimula sa isang kauban sa loob ng mall Halos 30 minute ang makalipas bang maramdaman ang after shocks sa buong syudad.

Sa kabila ng naganap na pagyanig ay nagpatuloy parin ang panggabing pasok pasok ng mga kolehiyo kagaya na lamang ng Ramon Magsaysay Memorial Colleges na mayroong 6 na palapag na gusali. Pasado alas-10 na ng gabi nang magdeklara si Mayor Ronnel Rivera ng General Santos City ng pagsuspinde ng mga klase sa lahat ng antas hangga’t walang pahintulot na maaari bang gamiton ang mga gusali na maaaring nagtamo ng mga pinsala. Sa kabila ng mga crack na nakita sa mga gusali, nagbagsakang display at kisame ng mga shopping centers at pagkawala ng kuryente sa malaking bahagi ng South Central Mindanao ay wala namang naitalang nasawi sanhi ng tumamang lindol.

0 comment

Related Posts