Magnitude 4.5 na lindol tumama sa Surigao Del Sur

0
38

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang bayan ng Cortes, lalawigan ng Surigao Del Sur dakong  ala – 7:48 kaninang umaga

Batay sa datos mula sa PHIVOLCS, natunton ang sentro ng pagyanig sa layong 35 kilometro Hilagang Silangan ng nasabing bayan

Tectonic ang pinagmulan ng nasabing pagyanig at mayruon itong lalim na 13 kilometro mula sa Episentro

Gayunman, walang inilabas na datos ang PHIVOLCS hinggil sa intensity ng lindol at wala rin namang inaasahang Aftershocks o pinsala kaugnay nito