Saturday, May 18, 2024

Magkapatid na Binay nagkainitan sa election forum

- Advertisement -

Sa loob mismo ng simbahan ng San Ildefonso sa Makati City, nagbangayan at nagbatuhan ng putik ang magkapatid at magkatunggali sa pagka-alkalde na sina incumbent Mayor Abby Binay at former Mayor Junjun Binay.

Ito’y matapos na pahintulutan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na gawin sa loob ng naturang simbahan ang inorganisa nitong election forum .

Unang nagpasaring ang babaeng Binay laban sa katunggali nitong kapatid na si Junjun hinggil sa umano’y pagpapakalat nito ng fake news o maling impormasyon.

Daan-daang mga taga-Makati ang dumalo sa forum sa San Ildefonso Parish at nasaksihan mismo ng mga ito ang pagtatalo ng dalawang magkapatid na kapwa tumatakbo sa magkaparehong posisyon.

Agad namang pumagitna ang amang si Dating Vice President Jejomar Binay upang awatin at paghiwalayin mga anak na sina Abby at Junjun Binay.

Kabilang din sa umawat si Makati City Police Chief Pablo Simon.

—–
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -