Magkaibang pahayag ng kapitan at kusinero ng FB Gimver 1 pinagdududahan – Palasyo

0
49

Lubhang pinag-dududahan ng Malacañang ang magkaibang bersyon ng kwento ng kapitan at kusinero ng FB Gimver 1 hinggil sa pangyayari nang sila ay banggain ng Chinese fishing vessel.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, patunay lamang ito na dapat magkaroon ng malalimang imbestigasyon ang mga otoridad hinggil sa nangyaring insidente.

Kaugnay ito ng naging pahayag ng kapitan, kung saan sinabi nito na sinadya ang pagbangga kung saan nagbigay naman ng taliwas na pahayag ang kusinero dahil sinabi nitong mukhang hindi lamang sila nakita ng Chinese fishing vessel dahil dalawa lamang ang ilaw ng kanilang bangka noong panahong iyon.

Samantala, muli namang nanindigan si Panelo na mas makabubuting hintayin na lamang ang resulta ng imbestigasyon ng magkabilang panig.

You must remember that the initial findings, coming from our crew, Filipino crew ay binagga sila at iniwan sila. Syempre every citizen of this country would be outraged and we all did. Nagstart si Secretary Delfin, sumunod si Secretary Locsin, and I also did. But with the cautionary statement that imbestigahan nila, tignan natin ang facts. Ever since ‘yan ang linya ng gobyerno, and for that matter the President. And he has repeated that last night, facts. ‘Di ba sinabi ko sa inyo, let us wait, ‘yun din ang sinasabi niya kagabi. Let us wait. The Chinese side has right to be heard,” paliwanag ni Panelo.