34.6 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Magdamagang party sa Boracay ipinagbabawal

- Advertisement -

Mahigpit na ipagbabawal ang pagpa – party sa pagbubukas ng Boracay Island sa Oktubre.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources Undersecretary Benny Antiporda, hindi papayagan na magkaroon ng tulad dati na magdamagang mga party upang mapanatili ang ganda at manumbalik ang kulay ng buhangin ng isla.

Kasabay naman ng pagbubukas ng isla sa publiko, magpapatuloy aniya ang pag susuri sa mga waste water na nagmumula sa mga hotel at resort na maaring lumabag sa mga environmental guidelines.

Matapos ang anim na buwang rehabilitasyon, magbubukas na ang isla para sa dry run mula October 16 hanggang 25.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -