Magat dam magpapakawala ng tubig

0
12

Magpapakawala ng tubig ang Magat dam matapos tumaas ang antas ng tubig dito dahil sa Tropical Storm Nimfa.

Inaasahang ngayong 7am bubuksan ang isang spillway gate ng Magat dam para magpalabas ng 200 cubic meter per second ng tubig.

Dahil dito, inabisuhan na ang mga residente malapit sa Magat dam na iwasan munang lumapit sa baybayin ng ilog dahil sa posibleng pag angat ng tubig at paglakas ng agos.

Nasa 191. 14 meters na ang water level sa Magat dam o lampas na a spilling level na 190 meters.