Radio Philippines Network
Headlines National News

Mag-asawang Chinese nationals sa San Lazaro Hospital nakitaan ng mga sintomas ng novel coronavirus

Isang mag-asawang Chinese ang naka-confine sa San Lazaro Hospital sa Maynila matapos makitaan ng mga sintomas ng novel coronavirus (2019-nCoV).

Ayon kay San Lazaro Hospital Spokesman Dr. Ferdinand De Guzman, nanggaling sa Wuhan ang mag-asawa at ipinasok sa ospital noong Biyernes.

Aniya, ang lalaking Chinese national ang nakitaan ng mga sintomas habang may ubo naman ang asawa nito.

Dagdag ni De Guzman, naipadala na rin sa Australia ang mga nakuhang samples sa dalawang pasyente para makumpirma kung merong 2019-nCoV ang mga ito.

Samantala, isa pang lalaking Chinese ang isinugod din sa San Lazaro Hospital matapos makitaan ng mga sintomas ng trangkaso pero nabatid na meron itong varicella o chickenpox.

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na 11 persons under investigation para posibilidad ng nCoV infection ang kanilang binabantayan sa mga lugar sa Metro Manila, Mimaropa, Northern Mindanao, Western, Eastern at Central Visayas.

Related posts

Cha-cha patuloy na isinusulong sa kongreso

Powered by DWIZ

4 terminal ng NAIA balik na sa normal na operasyon

Powered by DWIZ

4 na kasunduan nilagdaan nina Duterte at SoKor President Moon

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More