29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Mag-amang Garin kinasuhan kaugnay sa pambubugbog sa isang pulis

- Advertisement -

Kinasuhan si Iloilo 1st District Rep. Richard Garin at kanyang amang si Guimbal Mayor Oscar Garin dahil sa pambubugbog sa isang pulis.

Ayon kay Western Visayas Regional Police Director Chief Supt. John Bulalacao, ipinatawag ng mag – amang garin si Police Officer 3 Federico Macaya bandang alas tres ng madaling araw nuong Miyerkules sa Guimbal Public Plaza.

Dinisarmahan, kinapkapan, pinosasan pa ng mag ama ang pulis bago pinagsasampal, pinag sisipa at ilang beses na dinuraan si Macaya.

Nag-ugat ang galit ng mag – ama sa hindi umano pagsasampa ng kaso ni Macaya sa isang lalaking nanakit di umano sa isang menor de edad sa gitna ng pagdiriwang ng Disyembre sa Guimbal.

Nahaharap ang dalawa sa kasong physical injuries, alarm and scandal, direct assault of person in authority, grave coercion at grave threat.


Rep. Garin humingi ng paumanhin sa PNP

Nag – sorry si Iloilo Rep. Richard Garin sa Philippine National Police (PNP) sa kanyang ginawang pambubugbog sa isang pulis.

Ayon kay Garin, ginawa lamang nya ang pananakit kay PO3 Federico Macaya dahil kanyang frustration dahil sa kabiguan na masampahan ng kaso ang isang lalaking nanakit ng bata sa gitna ng kanilang selebrasyon sa Guimbal, Iloilo.

Ngunit nilinaw ng mambabatas na ang kanilang ginawang pananakit sa pulis kasama ang kanyang amang alkalde ay walang kaugnayan sa PNP bilang isang institusyon, maging sa mga opisyal at iba pang miyembro ng kapulisan kundi sa isang pulis lamang na sa tingin nya ay tumalikod sa paglilingkod sa mamamayan ng Guimbal.

Nangako naman si Garin na haharapin ang anumang maging parusa ng kanyang naging aksyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -