Mabalasik Class of 2019 valedictorian inaasahang magiging bahagi ng Philippine Navy

0
50

Hindi naisip ni Dionne Mae Apolog Umalla na papasok siya sa Philippine Military Academy (PMA).

Si Umalla ang valedictorian ng Mabalasik Class of 2019 at inaasahang magiging bahagi ng Philippine Navy.

Ayon kay Umalla, ang pangarap niya noon ay maging doktor  o kaya naman at maging guro.

Sa kabila nito, masaya siyang hindi man nakuha ang naturang mga pangarap ay makapagsisilbi pa rin siya sa bayan ngayon ay bilang sundalo.

Tumanggap si Umalla ng labingapat (14) na special awards kasama na ang Philippine Navy Saber at leadership plaque.

Pinagkalooban din si Umalla ng house and lot na tradisyon  ng PMA para sa magtatapos na top notcher.