Luzon grid muling isinailalim sa yellow alert ngayong araw

0
57

Muling isinailalim sa yellow alert ang Luzon grid ngayong araw na ito.

Ayon sa abiso ng NGCP o National Grid Corporation of the Philippines, mayroong available capacity ng kuryente sa lLuzon na nasa halos 12,000 megawatts habang nasa halos 11,000 megawatts ang peak demand.

Iiral ang yellow alert mula ala 1:00 ng hapon hanggang alas 4:00 ng hapon.

Wala namang inaasahang rotational brownout dahil sa yellow alert.