Lungsod ng Baguio naghahanda na sa Oplan Kaluluwa ngayon 2023

0
58

Baguio City – Nagpalabas ng Executive Order No. 131 series of 2023 si Mayor Benjamin Magalong na bumubuo ng isang executive committee para sa pagbuo ng executive committee para sa ‘Oplan Kaluluwa’ 2023 isang taunang gawain ng lokal na gobierno at ng Baguio City Police Office upang mapanatili ang kaligtasan, sekuridad at ang pamamahala ng mga tao na gugunita ng Araw ng Kaluluwa at ng Todos los Santos.

Si Mayor Magalong ang magsisilbing bilang chairperson of the committee samantalang si City Administrator Bonifacio Dela ang magiging action officer kasama ang mga susunod: ang Baguio City Police Office, City Treasurer’s Office, City Engineering Office, City Health Services Office, City Environment and Parks Management Office, ang General Services Office at kinatawan ng mga barangay mula sa Loakan Proper, Kias, Fort Del Pilar, Bakakeng Norte/Sur at Irisan.

Kabilang sa mga kasapi ng committee ay ang City Mayor’s Office: Permits and Licensing Office, City Disaster Risk Reduction and Management Office, ang Public Order and Safety Division, at ang Public Information Office.

Ang committee ay nakatakdang magkita sa susunod na linggo upang ihanda ang mga alituntunin, ang mga guideless at hakbang para sa matagumpay at mapayapang paggunita ng Undas.

Sa mga nakaraang taon ng pandemya ng coronavirus, ang committee ay nagsagawa ng maaga at nagtakdang ng paglilinis ng mga puntod ng bawat distrito alinsunod sa pagsunod sa minimum public health standards ganon din sa pag iwas sa matataong lugar at ang pamamahala ng trapiko ng mga sasakyan. (Joel Cervantes | Jim Bernabe, photo courtesy of Baguio City Information Office)

Leave a Reply