Lungsod ng Baguio nabigyan ng Good Financial Housekeeping Award

0
14

Baguio City – Isa naman na parangal ang natamo ng lungsod ng Baguio. Sa ngalan ng lokal na gobierno ng lungsod ng Baguio, tinanggap ni Mayor Benjamin Magalong at Bise Mayor Faustino Olowan at ng lokal na opisyal ang plake ng pagkilala mula sa Department of the Interior and Local Government-Cordillera Administrative Region (DILG-CAR) sa pagpasa ng lungsod sa 2023 Good Financial Housekeeping (GFH) na may rating ng 100 porsiento.

Ang parangay ay ibinigay ni DILG CAR Dir. Araceli San Jose at ng pinuno ng Baguio Office nito na si Millicent Carino sa isinagawang flag raising rites sa bakuran ng City Hall noong Pebrero a 19.

Sinabi ni Carino na ang DILG, sa pamamagitan ng GFH program nito ay kinikilala ang mga local government units (LGUs) na pangunahin ang pananagutan, o akontabilidad sa konteksto ng etika at pamamahalang pinansial at ang naturang sistema ay nagresulta ng kahusayan sa pangangasiwa sa pananalapi.

Kanyang idinagdag na ang programa ay tumitingin sa mga LGU’s na sumusunod sa Commission on Audit (COA) sa mga panuntunan sa accounting at auditing standards kabilang dito ang disclosure policy (FDP).

Ang full disclosure policy ay humihiling sa mga LGUs na kanilang ilabas ang partikular na financial documents sa kanilang nasasakupan tulad ng budget at kung paano ito ginastos at ginamit upang maiwasanang korapsyon at ang maling paggamit ng pondo. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Office Information Office)

Leave a Reply