Baguio City – Ini-suspendi ni Mayor Benjamin Magalong ang mga klase sa lahat ng levels sa pampubliko at pribadong paaralan ngayong araw ng lunes. Kasabay nito ang pagsuspendi ng mga trabaho sa lahat ng opisina ng gobierno mula alas dose hangang hapon dahil sa Bagyong Nika. Ngunit maliban lamang sa ilan na may kinalaman sa pagdadala ng basic and health services, disaster response, at ang paggawa ng mamahalang serbisyo.
Samantala, ang trabaho sa lokal na ahensiya ng opisina na pamahalaang national, na hindi nagbibigay ng critical emergency services ay suspendido na may pahintulot mula sa regional o /central office. Habang ang pagsuspendi ng trabaho sa mga pribadong kompanya ay nasa desisyon ng kanilang pangisiwaan.
Ang Vehicle number coding ay suspendido din.
Habang ipinapakiusap na huwag na ilalalabas ang basura ngayong araw upang maiwasan ang pagkakalat nito na maaring maging sanhi ng pagbaha. Ang mga turista ay inaabisuhan na huwag munag maglakbay dahil sa malalakas na pag ulan at ang mga pampublikong pasyalan o parke ay isinara na. Manatiling ligtas at maging alerto sa lahat ng oras.
Kung may kaso ng emergency, tumawag lang sa 911. Kanya itong inihayag sa pagpupulong kasama ang disaster-response teams na binubuo ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, Baguio City Police Office, Bureau of Fire Protection, City Social Welfare and Development Office, City Environment and Parks Management Office, City Engineering Office, City Buildings and Architecture Office, Health Services Offices, Public Order and Safety Division, and Special Services Division bilang paghahanda sa Bagyong Nika. (RPN-Baguio/Jimmy Bernabe/Joel Cervantes)
(Source: PIO Baguio)