Lumagda ng kasunduan ang BCDA at ang Zip Infrastructure Co. Ltd. para sa pagsasagawa ng pag-aaral sa posibilidad ng self-driven cable car system sa Camp John Hay sa lungsod ng Baguio

0
23
photo courtesy of PIA Cordillera

Baguio City – Kamakailan lamang ay pumirma ng memorandum of understanding sina BCDA President and Chief Executive Officer Joshua Bingcang at Zip Infrastructure CEO Takamasa Suchi.

Sinaksihan ito nina Transportation Secretary Jaime Bautista at Zip Infrastructure Director and Head of Business Development Mario Ian Carlos Ferido Rebonquin.

Sa ilalim ng kasunduan, magsasagawa ang Zip Infrastructure ng pagaaral para sa operasyon at maintenance ng self-driven cable car system nito na Zippar sa Camp John Hay.

Layunin ng teknolohiya na magbigay ng alternatibong transportasyon upang maibsan ang masikip na daloy ng trapiko. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply