Luis Manzano malapit nang mag-propose ng kasal kay Jessy Mendiola

0
17

Marami ang kinilig nang sabihin ni Luis Manzano sa instagram na malapit na siyang mag-propose ng kasal sa kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola.

Una nang inasar ni Billy Crawford si Jessy nang mag-post ito ng kanyang kamay suot ang dalawang singsing.

Sinabi ni Billy na mas bagay sa kanya ang engagement ring kaya dapat nang mag-propose dito si Luis.

Sinagot naman ito ni Luis na malapit na malapit na niyang ayain na magpakasal ang kanyang kasintahan.

Patunay aniya ang closeness ni Jessy kay Congresswoman Vilma Santos na tinatawag na niyang ‘Momski’.