Lugar na pagdadausan ng mga kilos protesta ngayong SONA 2020 limitado lamang

0
19

Kakaibang Commonwealth Avenue ang nakita sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Wala ang malalaking container vans na pang harang upang hindi makalusot palapit ng batasang pambansa ang mga raliyista.

Inilipat ang container vans sa malapit sa University of the Philippines dahil limitado lamang sa loob ng UP campus ang mga raliyista.

Ayon kay Brig. General Bernard Banac, Spokesman ng PNP, nakiusap sila sa mga raliyista na iwasan ang mag-lightning rally upang hindi na sila umabot sa punto na kailangang arestuhin sila ng mga pulis.

Madaling araw pa lamang nang magpakalat na ang PNP ng mga pulis sa Commonwealth Area, Batasan Complex at sa kapaligiran ng UP Diliman.

Ipinagbabawal ang mass gatherings sa mga public places, napakalaki ng panganib kung umabot pa sa pag-aresto dahil syempre magkakadikit-dikit na naman tapos ganun yung mga pulis natin ma-exposed din sa possible human-to-human transmission ng virus so, lahat tayo apektado,” ani Banac. — panayam mula sa Ratsada Balita.