LTFRB tiwalang ‘di agad tataas ang demand sa public vehicles kahit ilagay sa GCQ ang NCR

0
17

Tiwala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kahit na ilagay na lamang sa general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) ay hindi naman agad tataas ang demand para sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, ito ay dahil kahit na isailaim sa GCQ ang Metro Manila ay hindi naman lahat ng mga residente ay makakalabas ng kani-kanilang tahanan, at bibiyahe.

Sinabi ni Delgra, sa ngayon kasi ay prayoridad ng gobyerno ang mga pampasaherong bus dahil dahil mas malaki o marami ang kapasidad nito.