COVID-19 death toll sa buong mundo umabot na sa 250,000 —WHO

0
38

Umabot na sa 250,000 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa buong mundo dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa pinakahuling datos na inilabas ng World Health Organization (WHO), nasa 3.5-milyon na rin ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong daigdig.

Sa ngayon, pinakamataas pa rin ang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos na mayroon ng 1.1-milyong kaso kung saan nasa higit 60,000 naman ang bilang ng mga nasawi.

Samantala, nasa $8.1-bilyon na naman ang nalilikom upang mapabilis ang pag-gawa ng vaccine o bakuna laban sa COVID-19 na kumalat na sa halos 200 bansa.