Saturday, May 4, 2024

LSI Mula Sa Bayan Ng South Upi, Maguindanao Nagpatiwakal!

- Advertisement -

Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti ang isang 19 anyos na carwash boy mula Tacurong City,  Sultan Kudarat at ngayon ay Locally Stranded Individual o LSI sa bayan ng South Upi, Maguindanao.

Sa impormasyon na ipinarating sa BRIGADA News FM Cotabato ni Mayor Obeth Insular,  madaling araw kanina nang iulat sa kanya ng kanilang MDRRMO ang pagpapatiwakal ng naturang lalaki.

Kasalukuyan umanong naka-quarantine ito sa COVID-19 isolation center ng bayan at palaisipan ngayon kung ano ang nagtulak para kitilin nito ang kanyang buhay.

Nagpapatuloy ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kung mayroong foul play o wala sa insidente.

 

(Source: Cotabato News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img