LRT-2 stations madadagdagan pa

0
21

Madadagdagan na ng tatlong (3) istasyon ang Light Rail Transit (LRT) line 2.

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), sa ilalim ng LRT-2 west extension project lalagyan na rin ng istasyon sa Tutuban, Divisoria, at Pier 4.

Nagkakahalaga ang proyekto ng mahigit P10-B na target matapos sa 2023.

Sa pagtaya ng LRTA, oras na matapos ang extension project, iikli na lamang ng limang (5) minuto ang biyahe mula Recto station hanggang Pier 4.

Habang hindi na aabutin pa ng isang oras ang biyahe mula Masinag hanggang Pier 4.