LRT-2 ops naantala kaninang umaga

0
52

Suspendido ang operasyon ng LRT line-2 pasado alas-9 kaninang umaga.

Ito, ayon sa LRT-2 management, ay dahil sa technical problem na naranasan sa Cubao station.

Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng LRT-2 sa mga pasahero sa nasabing aberya sa biyahe ng kanilang tren.

Kaagad namang inayos ang sinasabing technical problem.

Ipinabatid ng LRT-2 na anim (6) na tren o 24 na coaches ang nag-o-operate mag-a-alas-9 ng umaga.