LRT 2 magbibigay ng libreng sakay sa lahat ng kababaihan

0
16

Magbibigay ng libreng sakay sa lahat ng mga kababaihan ang Light Rail Transit (LRT) line 2 bukas Marso 8, linggo.

Ito ay bilang pakikiisa ng LRT 2 sa pagdiriwang ng International Women’s Day.

Ayon sa LRT 2, maaaring magamit ang libreng sakay mula alas 7:00 hanggang alas 9:00 ng umaga at alas 5:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi bukas.

Sa kalasalukuyan, bumibiyahe pa rin ang LRT 2 mula Recto hanggang Cubao station matapos ng nangyaring sunog sa rectifiers nito noong Oktubre ng nakalipas na taon.