Thursday, May 9, 2024

LPA pumasok na sa PAR

- Advertisement -

Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA.

Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa layong 1,100 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes.

Ayon sa PAGASA ang naturang LPA ay inaasahang magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa sa susunod na mga araw.

Sa ngayon ay apektado na ng buntot ng bagyo ang Eastern section ng bansa.

Sa mga susunod na araw ay maging ang western section ng Pilipinas ay makakaranas na ng pag-ulan dahil sa nasabing LPA.

Inaasahang magiging bagyo ang LPA sa susunod na dalawang araw at papangalanan itong Ramon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img