35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Lookout bulletin vs. Mayor Baldo hiniling na ng PNP

- Advertisement -

Hiniling na ng Philippine National Police sa  Department of Justice na mag-issue ng immigration lookout bulletin laban kay Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo, ang hinihinalang utak sa pagpatay kay AKO BICOL Partylist Rep. Rodel Batocabe at police escort nito.

Ito’y makaraang sumuko sa mga pulis sa Albay at Masbate ang ika-lima at anim na suspek na sina Rolando Arimado at Danilo Muella, kahapon.

Si Arimado, na umano’y  backup gunman at Muella na nag-supply  ng mga baril na ginamit sa pagpatay ay kasalukuyan nang nakapiit sa  Bicol regional police office detention cell sa Albay.

Tiniyak naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na maka-aasa ang PNP na agad aaksyunan ang kanilang hiling.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -