Saturday, May 18, 2024

Lokal Na Pamahalaan, Mapipilitang Ipaubaya Sa Mga Barangay Ang Pag- Quarantine Sa Mga Darating Pang Residente

- Advertisement -

Iriga City— Namemeligro nang mapuno ng mga Locally Stranded Individuals o LSI ang mga quarantine facility ng Lokal na Pamahalaan ng Balatan dahil sa patuloy na pagsisidatingan ng mga residenteng mula sa kalakhang Maynila.

Ito ang sinabi ni Xanthien Beñegas, MDRRM Officer ng LGU Balatan.

Ayon kay Beñegas, sakali mang hindi na kayanin pa ng LGU ang paglobo ng bilang mga LSI ay mapipilitan silang ibigay sa mga Barangay ang pag-quarantine sa mga ito.

Pero, titiyakin naman daw ng Pamahalaang Bayan ang pagbibigay ng suporta at pagmonitor sa mga LSI na dadalhin sa bawat Barangay Isolation Facility.

Sa ngayon umaabot na sa 80 ang total na bilang ng mga LSI ang naka-quarantine sa pasilidad ng LGU habang kabuuang siyam na kaso na ng COVID-19 ang naitatala sa naturang lugar.
(OIC Melvin Barayoga, RPN DZKI Iriga City)

 

(Source: LGU Balatan)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -