Lokal na gobierno papasinayaan ang kauna-unahang ‘Living Street’ project sa Baguio

0
13
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Papasinayaan ng lokal na pamahalaan ng Baguio ang bagong namumbalik na Perfecto-Carantes street, na binansagan bilang kauna unahang buhay na daan o living street project.

Sinabi ni City Engineer Edgar Victorio Olpindo na dahil sa mga sagabal nakaharap ng pagsasagawa na kagagawan ng dating kontraktor hindi muna ito naisagawa, ngunit ngayon dahil sa bago na kontraktor, ang proyekto ay natapos din na may kahangahangang resulta.

Ang pagputol ng ribbon ay pangungunahan ng lokal na opisyal ng Baguio tulad ni Mayor Benjamin Magalong at Bise Mayor Faustino Olowan na magsisilbi bilang lugar upang mapahalagahan ang pagsisikap ng ibang ahensiya ng gobierno at ng pribadong sector sa paggawa ng mabuting kommunidad para sa lungsod.

Sa ilalim ng buhay na daan na konsepto, ang daan ay pagsasaluhan ng naglalakad at ng mga sasakyan sa pamamagitan ng kalmadong trapiko at bawas ng takbo ng sasakyan at sa ganong paraan ay maiiwasan ang pagbangga at ang kalubhaan ng banggaan.

Kung inyong matatandaan ang proyekto ay nagsimula noon 2022 ngunit natigil ito matapos ang dating kontraktor ay hindi nito natapos sa takdang panahon ayon sa aprubadong programa ng trabaho.

Sumailalim ang naturang proyekto ng komprehensibong pagsusuri, muling idesenyo at pagsubasta at kalaunan ay ipinagpatuloy ng bago nitong kontraktor hangang sa matapos ito. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply