Lockdown ikinasa sa mga tanggapan ng HRET

0
10

Isinailalim sa lockdown ang mga tanggapan ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) sa Quezon City dahil sa posibleng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, ginawa ang hakbang upang bigyang-daan ang isasagawang disinfection at quarantine sa lahat ng personnel sa loob ng 14 araw.

Sinabi ni Leonen na hinihinalang dinapuan ng virus ang isang liaison officer kasunod ng staff-wide rapid test noong nakaraang linggo.