34.6 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Listahan ng senatorial line-up ng PDP-Laban maisasapinal na

- Advertisement -

Posibleng mapabilang na sa kanilang pinal na listahan ang walong pangalan na inilabas ng PDP – Laban o Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan.

Ito’y para bumuo sa senatorial line-up ng partido bilang paghahanda sa darating na midterm elections na idaraos sa susunod na taon.

Kabilang sa inisyal na listahang inilabas ng PDP-Laban sina Senador Koko Pimentel, Presidential spokesman Harry Roque, Special Assistant to the president Bong Go at Presidential Adviser on Political Affairs Sec. Francis Tolentino.

Gayundin sina Makati Rep. Monsour del Rosario, Quirino Rep. Dakila Cua, Davao Rep. Karlo Nograles at Maguindanao Rep. Dong Mangudadatu.

Inilabas ang naturang listahan sa isinagawang leadership assembly kagabi sa Pasay City sa pangunguna mismo ng party chairman nitong si Pangulong Rodrigo Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -